Si 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach kaya ang mag-angkin ng bato ni Darna sa pagkakataong ito?

Makaraang emosyonal na bitawan ng aktres na si Liza Soberano ang lead role sa Darna movie project, naglunsad ngayong araw, April 7, ang grupo ng fans ni Pia ng campaign para sa kanya mapunta ang iconic role.
“ATTENTION TO ALL THE SUPPORTERS OF #MissUniverse2015 Pia Wurtzbach @piawurtzbach IN THE UNIVERSE! sa darating na Linggo! Alas 12 AM ay sabay sabay po tayo sumugod sa Twitter at subukan ipa-trend ang hashtag na #PiaForDarna at i-tag sa bawat twitter post ang @StarCinema para lalo pang mapansin ng mga producers ang kakayahan ng ating reyna Pia Alonzo Wurtzbach na ganapin ang iconic role na Darna sa mundo ng pelikula! Ipakita po natin ulit ang ating pwersa sa kalawakan! Maraming Salamat Po!” komento ng follower sa Instagram ni Pia nitong Biyernes. Ang ibang hashtag ay #AngBagongDarna #Darna #StarCinema #MarsRavelo #PiaWurtzbach #MissUniverse #MissUniverso #ConfidentlyBeautifulWithAHeart #PIAnatics.
Ayon kay Jonas Gaffud, creative director ng Miss Universe Philippines at manager ng Filipino-German beauty queen, hindi pa nila napag-uusapan ni Pia ang tungkol dito.
“Hindi ko pa sya nakakausap nga eh, hahaha. Pero ako gusto ko,” sabi ni Jonas sa isang eksklusibong panayam.
Ang ideya ng pagganap ni Pia bilang si Darna ay unang inilapit sa kanila noong 2017. Ngunit noong May nang kaparehas na taon, sinabi ni Jonas na ang paglipat ni Pia sa network ay walang kinalaman sa Darna.
Noong January 2019, napaulat na si Pia ang gaganap na Valentina sa Darna na kontrabida ni Liza. Iniulat din na tinanggap ni Pia ang naturang role. Gayunman, hindi inamin o itinanggi ni Pia ang naglabasang balita.
Nitong April 2, as reported by Push.com, inihyag ni Pia na nais ni Pia na gampanan ang unang Filipina superhero ng Marvel, si Wave, na magiging bahagi ng upcoming series na War of the Realms: New Agents of Atlas.
“If there’s going to be an audition for it, I’m going to try for that. Why not, right?” lahad ng beauty queen.
Sinabi rin ni Pia na ang pagganap bilang isang superhero ay kanyang pangarap, just like going to Hollywood. “Well, that dream is still there, I’m still trying to pursue my dream. I know that I still have a long way to go.”
-ROBERT REQUINTINA