Isinugod sa ospital ang 66 na atleta ng Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) matapos silang malason sa inihandang pagkain sa naturang palaro sa Biliran, kamakailan.

ATHLETESdownload (17)

Sa inisyal na report ng EVRAA, isinugod sa magkakahiwalay na hospital ang mga biktima.

Nasa 20 atleta ang dinala sa Farmers’ Medical Center, 30 sa Ormoc District Hospital habang 16 naman sa Ormoc Doctors’ Hospital.

Eleksyon

Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

Ang mga nalason ay bahagi ng delagasyon ng Biliran na  pansamantalang nanunuluyan sa New Ormoc City National High School habang ginaganap ang palaro.

Nilinaw naman ni Lalaine Marcos, ng Rotary Club of Ormoc Bay, ang grupo ay may mga sariling cook at caterer.

Iniimbestigahan pa ng Ormoc City Health Office ang insidente.

-Fer Taboy