Pinaghahandaan na ng isang unibersidad sa Wisconsin sa Amerika ang isang musical performance sa kakaibang venue—underwater!

Underwater opera

Sa ulat ng United Press International, inihayag na kamakailan ng Lawrence University ang Breathe: A Multi-disciplinary Water Opera na magtatanghal sa labas at palibot ng tubig sa isang pool ng wellness center ng unibersidad.

Bahagi ng mga magtatanghal ang mga dancers, percussionists, singers, trumpets, flute, cello, keyboardist at bass player.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

"When we normally consider the arts, we put it on a stage, and we sit, and there it is, But here the audience is going to interact in a much different way," pahayag ng composer at musical director na si Loren Kiyoshi Dempster.

Uminado si Demster na nagulat siya nang ibahagi sa kanya ang proyekto na ideya at binuo ni Gabriel Forestieri, bagamat naging maganda na ang sitwasyon.

"Eventually I just tried dunking a very, very cheap cello -- for those who are instrumentalists, it's not a very nice one -- but I tried it, and it actually worked. It's been kind of one of the great surprises of my life that you could play cello underwater," aniya.