SINIMULAN na ang pamahalaan ang paghahanda para sa ika-500 taong anibersaryo ng unang misang Romano Katoliko sa bansa sa taong 2021, sa kabila ng pagbuhay sa kontrobersiya na kumukuwestiyon kung saan idinaos ang unang misa.

Ibinahagi ni Southern Leyte Governor Damian Mercado ang paghahanda ng probinsiya para sa inaasahang pagdagsa ng mga bisita sa isla ng Limasawa.

Isinaayos na ang mga kalsada sa lugar, nagtayo ng bagong pantalan sa bayan at pinaganda ang First Mass Shrine complex.

Dagdag pa ni Mercado, ang pagsasaayos nila sa lugar ay makatutulong upang igiit ang kanilang paniniwala na sa isla nga ng Limasawa idinaps ang unang misa at hindi sa Butuan.

Night Owl

Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito

“Of course, I will say that the mass happened in Limasawa not because I am from Southern Leyte but because records and evidences presented by historians support this claim,” ayon kay Mercado sa ginanap na 498th First Mass commemoration kamakailan.

Sinabi ni University of the Philippines at Leyte-based historian Rolando Borrinaga, na ibabahagi nita ang kanyang bagong pananaliksik kasama ng National Quincentennial Committee ng National Historical Commission of the Philippines sa Abril 25-27, 2019 sa Limasawa at Maasin City.

Bago ang presentasyon, noong 1996, muling ipinagtibay ang sikat na paniniwala na isinusulong ng Republic Act 2733 na nilagdaan noong 1960 na ang unang Banal na Misa ay idinaos sa isla ng Limasawa noong that the Marso 31, 1521.

“There were also two commissions that had decided on this and both said that Limasawa was the site of the First Eastern Mass,” pahayag ni Karina Rosa Tiopes, Department of Tourism Eastern Visayas Regional Director.

“But as far as the promotion is concerned, this had not affected the tourism much. For many people, this is really where the first mass took place and that is why they come to Limasawa,” dagdag pa niya.

Halos 50 taon makalipas mapagtibay ang nabanggit na batas, isang grupo ang lumagda ng deklarasyon na nagmumungkahi na ipagpatuloy ang debate hinggil sa tiyak na lugar na unang misa—sa Limasawa Limasawa ng Southern Leyte at Masao sa Butuan.

“I hope that this controversy will be settled so that the people of Limasawa and the people of Butuan will finally have peace of mind and will no longer be squabbling over this issue,” saad pa ni Tiopes.

Suportado naman ng Department of Tourism ang probinsiyal at lokal na pamahalaan para sa mga aktibidad sa ika-500 anibersaryo.

Nitong nakaraang taon, nagpasa ng resolusyon ang Regional Development Council, na lumilikha ng ad hoc coordinating group upang masiguro ang maayos na implementasyon ng mga programa, aktibidad, na kailangan para sa anibersaryo.

Binubuo ang ad hoc coordinating group ng DOT, kasama ang mga miyembro mula Southern Leyte provincial government, Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, at lokal na pamahalaan ng Limasawa.

Bilang suporta sa pagdiriwang, iminungkahi ng Konseho ang pagtatayo ng First Mass’ Cross Shrine sa isla ng Limasawa. Inayos na rin ang isyu upang maideklara ang Limasawa bilang “tunay” na lugar ng makasaysayang unang misa sa Pilipinas.

Kinikilala ang Limasawa bilang isa sa mga pilgrimage sites o pilgrimage destinations sa Eastern Visayas kung saan maaaring maranasan ng mga bisita sa iskla ang mga religious activities.

Bukod sa pilgrimage site, sikat din ang isla para sa mayaman nitong coralas at limestone cliff na magandang paglanguyan.

Samantala, sinanay na ng DOT ang nasa 42 homeowners na maaaring magpatuloy sa mga turista na hindi maa-accommodate sa apat na bahay na maaaring tuluyan sa isla.

Ang isla ng Limasawa ang pinakamaliit na bayan sa probinsiya ng Southern Leyte, na sinasabing pinagdausan ng unang misang Katoliko sa Asya, noong Linggo ng Pagkabuhay (Easter Sunday) noong Marso 31, 1521 ni Father Pedro de Valderrama sa ilalim ng hukbo ni Ferdinand Magellan.

PNA