KASUNOD ng pagtatatag ng men’s league para sa mga homegrown talents mula sa iba’t-ibang lalawigan, lungsod at munisipalidad, nag-organisa din ang National Basketball League (NBL) ng women’s league para sa layuning makatulong sa Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagpapalakas ng mga talento ng ating mga kababaihang basketbolista.

Ilulunsad na bukas ang unang season ng Women’s National Basketball League sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City.

Pitong koponan ang maglalaban-laban sa inaugural season ng liga na sisimulan sa pamamagitan ng isang laro tampok ang Parañaque Lady Aces kontra Laguna Lady Pistons na mag-uimpisa ng 1:00 ng hapon.

Kabilang din sa mga koponang kalahok sa first season ang Philippine Navy, Philippine Air Force, Taguig Lady Generals, Pampanga Delta Amazons, at Cleon and Clyde Lady Snipers.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May pagkakataon ang mga manlalaro na maipakita ang kanilang mga skills na matunghayan ng buong mundo dahil ipapalabas ang mga laro nila sa Solar Sports, NBL Philippines Facebook page, at Net 25 Facebook page at sa GMA News TV International.

“We promised na holistic ‘yung approach natin, meaning hindi lang men’s ang ike-cater natin,” wika ni NBL chairman and president Celso Mercado.

-Marivic Awitan