Pumalag si Vice President Leni Robredo sa alegasyon na ang Liberal Party ang nasa likod ng viral video na nagdadawit kay dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte sa illegal drug trade.

Vice President Leni Robredo

Vice President Leni Robredo

Sinabi ni Robredo na walang "means" ang LP para gumawa ng ganoong video, na inilarawan ni Pangulong Duterte na basura.

“Baka tanungin kung sinong ‘yellows,’ kasi karamihan sa mga ‘yellows’ kasama na nila, ‘di ba?” pahayag ni Robredo sa mga mamamahayag sa Tagbiliran, Bohol.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“Kaya nga kami nahihirapan kasi kakaunti na lang naman iyong natira sa partido. At kayo iyong makakapagsabi na wala nang means para mag-mount ng something like this. Sa kampanya pa lang nga, hirap na hirap na kaming umikot dahil walang resources, papasok pa kami sa ganito?” pahayag ni Robredo.

Inakusahan ng Pangulo si Senador Antonio Trillanes IV at ang “yellows” ng paninira sa kanyang anak, na iniugnay ng isang "Bikoy" sa viral video na may titulong “Totoong Narco List” na kabilang sa mga tumanggap ng suhol mula sa mga drug syndicates.

Bukod kay Paolo, tampok din sa kontrobersiyal na anim na minutong video, na in-upload sa YouTube, si Agriculture Assistant Secretary Waldo Carpio, na kapatid ng presidential son-in-law na si Manases Carpio.

“Purveyor of that is [Trillanes] and the rest of the Yellows, so hinahayaan ko na lang ‘yang si Trillanes. That has become his passion,” sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview sa Puerto Princesa City nitong Huwebes.

“Iyong sa amin, seryoso iyong alegasyon, seryoso iyong accusation. Mas mabuting harapin… Hindi nakakatulong na mag-fingerpoint kung kani-kanino,” ani Robredo.

Raymund F. Antonio