Sa selda ang bagsak ng isang 71-anyos na lalaki matapos niya umanong pagtangkaang halayin ang dalagita niyang kapitbahay sa Navotas City, nitong Biyernes.

Nahaharap sa kasong attempted rape si Elizer Escalicas, 71, ng Block 14, Lot 28, Bisugo Street, Barangay NBBS sa nasabing lungsod.

Ang ina ng bikima, 14, ang kumatawan upang magsampa ng kaso laban sa suspek.

Sa salaysay nito, nasa loob siya ng kuwarto at nag-iisa, dakong 6:15 ng gabi.

Metro

Maynila, may pa-'LapLuvan' sa Peb. 13

Makalipas ang ilang sandali, pumasok umano si Escalicas at inutusan siyang maghubad.

Isasagawa na ng suspek ang masamang balak nang dumating ang ina ng biktima, at humingi ng tulong sa mga barangay officials at naaresto ang suspek.

Orly L. Barcala