Laro Ngayon
(MOA Arena)
7:00 n.g. 00 Ginebra vs Magnolia
SISIMULAN ng Barangay Ginebra at Magnolia Pambansang Manok ang kanilang best-of-three quarterfinals showdown ngayong gabi sa pagsisimula ng playoffs sa MOA Arena sa Pasay City.
“More than it being the Manila Clasico, it’s the first game of a short series, therefore that makes it crucial for both teams,” ayon kay Ginebra coach Tim Cone.
Naitakda ang tapatan ng Gin Kings at Hotshots sa rematch ng kanilang semifinals duel noong nakaraang conference makarasn silang tumapos na No. 3 at No. 6 ayon sa pagkakasunod sa nakaraang one-round-robin elimination phase.
Sa nakaraan nilang pagtutuos sa eliminations, nagwagi ang Kings, 97-93, noong Marso 17, pero noong nakaraang playoff matchup nila sa Governors Cup Final Four ay namayani ang Hotshots.
Kaya naman inaasahang magiging matindi ang tapatan ng dalawang koponan sa panibagong edisyon ng Manila Classico.
“I do believe we’re peaking at the right time and we’re looking forward to our battle with Ginebra,” wika ni coach Chito Victolero.
-Marivic Awitan