Naghahanap ngayon ang NASA at European Space Agency ng 12 babae at 12 lalaki na papayag mahiga sa kama sa loob ng 60 araw, kapalit ng $19,000 o halos P100,000.
Sa ulat ng United Press International, hangad ng pag-aaral na masuri ang epekto ng long spacelights sa katawan ng astronauts. Isasagawa ang eksperimento sa German Aerospace Center sa Cologne, Germany.
Tinawag na Agbresa o Artificial Gravity Bed Rest—European Space Agency, hangad ng pag-aaral na makuha ang potensiyal na benepisyo ng artificial gravity sa mahabang spaceflights patungo sa mga destinasyong katulad ng Mars.
Dadaan din ang mga kalahok sa 19 na araw na paghahanda at recovery mula sa paghiga sa kama.