May 1,360 slots ang Department of Social Welfare and Development para sa mga nakabakasyong estudyante na gustong magtrabaho ngayong summer.

Ang Government Internship Program ay bukas para sa mga high school graduates at college-level students, edad 18-25, na gustong magkaroon ng hands-on work experience sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Alinsunod sa programa, naglaan ang gobyerno ng P10,565,400 para sa stipend ng mga matatanggap na aplikante.

Bibigyan ng iba’t ibat gawain ang interns sa loob ng 30 araw, na magsisimula sa Abril 15 at magtatapos sa Mayo 29.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Makatatanggap sila ng 75% ng umiiral na wage rate sa rehiyon na kung saan sila magtatrabaho.

Prioridad ng DSWD ang kabataan na kabilang sa pinakamahihirap na pamilya.

Para sa mga interesado, mag-apply sa DSWD Central Office sa Quezon City, o sa mga DSWD regional field office.

Beth Camia