Apat na supporters ng isang alkaldeng re-electionist ng dinukot ng hinihinalang New People’s Army dahil umano sa kabiguang magbayad ng permit-to-campaign sa Bansud, Oriental Mindoro, ngayong Sabado ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Socrates Faltado, tagapagsalita ng MIMAROPA (Mindoro Occidental and Oriental, Marinduque, Romblon, Palawan) regional police.

Kabilang, aniya, sa apat na dinukot sina Barangay chairman Peter delos Santos, ng Malo ng nasabing bayan, Raymund Malupa, Ricky Capillo, at Louie Mebdinille.

“Accordingly, bgy. chairman delos Santos is a known supporter of the incumbent and re-electionist Mayor Angel Saulong,” ani Faltado.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Aniya, bumibiyahe sa lugar ang apat nang harangin ng tinatayang aabot sa 10 armadong pinaniniwalaang kaanib ng NPA, dakong 7:00 ng umaga.

Tinangay aniya ng grupo ang apat sa kagubatan ng Mindoro.

Natuklasan aniya sa kanilang background check na nakatanggap ng text message si Mayor Saulong nitong Abril 4 na nagsasabing kinakailangan itong magbigay ng campaign fee sa mga rebelde.

“They threatened harm to the candidate if he fails to pay,” ayon kay Faltado.

Ayon sa mga awtoridad, humihingi ang mga rebelde ng mula 20,000 para sa mga kandidato sa pagkakonsehal ng bayan at lungsod at P250,000 naman para sa mga congressional at gubernatorial bet.

Aaron Recuenco