Dalawang miyembro ng New People’s Army ang napatay sa sagupaan sa Digos City, Davao del Sur, nitong Biyernes ng umaga.

Ang dalawang nasawi ay kinilala ni 1002nd Brigade commander, Col. Adonis Bajao, na sina Lesly Pulido, alyas “Camille”, secretary ng Guerilla Front 51; at Roberto Castellote, alyas “Enoy”, commander ng guerilla unit ng GF51.

Sinabi ni Bajao, ang bangkay ng dalawa ay iniwan ng kanilang kasamahang umatras sa sagupaan sa Sitio Lanan, Barangay Goma, kamakalawa ng umaga.

“They were identified through a former rebels in the rogues gallery of the 39thInfantry Battalion,” ayon kay Bajao.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sumiklab, aniya, ang engkuwentro nang magresponde ang tropa ng pamahalaan matapos makatanggap ng impormasyon na namataan ang mga rebelde sa lugar.

Idinagdag pa ni Bajao, ang nasabing operasyon ay resulta lamang ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga komunista matapos na kanselahin ang peace talks nitong nakaraang buwan.

Aaron Recuenco