TINAPOS ng University of Santo Tomas ang kinasadlakang three-game losing skid matapos gapiin ang University of the Philippines, 25-17, 18-25, 25-20, 25-15, kahapon sa UAAP Season 81 Men’s Volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre.

Mula sa naging average nilang 38 errors sa nasabing losing streak,ibinaba ng UST ang kanilang errors sa 28 kontra UP.

“For us to still reach our goal, hindi namin afford matalo kanina,” pahayag ni UST head coach Odjie Mamon.

“Medyo nag-struggle ‘yung team, nawala sa rhythm dahil sa injuries. Pero, they know na kaya pa. Kailangan lang namin mag-execute down the stretch sa mga susunod naming matches,” dagdag nito.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kapwa tumapos sina Joshua Umandal at rookie Jaron Requinton na may tig-20-puntos upang pamunuan ang panalo ng Tiger Spikers.

Dahil sa panalo, umangat ang UST sa markang 4-6,habang lalo pang nabaon ang Maroons sa ilalim ng standings sa pagbagsak nila sa barahang 1-9.

Nanguna naman para sa nabigong UP si Jerry San Pedro na nagposte ng 14 puntos.

-Marivic Awitan