Atienza at Lopez, bilib sa atletang Pinoy; SEAG title, kakayahin

DALAWANG dating sports personality na kapwa pumalaot sa mundo ng pulitika ang nananawagan ng pagkakaisa sa hanay ng mga sports officials at hinikayat ang mga atletang Pinoy na lumaban ng determinado at pagmamahal sa bayan para masiguro ang tagumpay sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

PINUKAW ni Ali Atienza, dating Asian taekwondo champion, ang damdamina at kaisipan ng atletang Pinoy, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) TGP Partylist supporter at dating PBA star Paul Alvarez, TOPS president Ed Andaya at TGP nominee Nereo Ronquillo sa ginanap na ‘Usapang Sports’ ng TOPS. Ibinida naman ni Manila Congressman Manny Lopez (kaliwa) ang galing ng atletang Pinoy para mag-overall champion sa SEA Games.

PINUKAW ni Ali Atienza, dating Asian taekwondo champion, ang damdamina at kaisipan ng atletang Pinoy, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) TGP Partylist supporter at dating PBA star Paul Alvarez, TOPS president Ed Andaya at TGP nominee Nereo Ronquillo sa ginanap na ‘Usapang Sports’ ng TOPS. Ibinida naman ni Manila Congressman Manny Lopez (kaliwa) ang galing ng atletang Pinoy para mag-overall champion sa SEA Games.

Hinimok ni dating Philippine Olympic Committee (POC) chairman at ngayo’y Congressman ng Manila District 1 Manny Lopez ang mga mga opisyal na isantabi ang hidwaan at hindi pagkakaunawaan upang ituon ang pansin at kakayahan para maihanda ang atletang Pinoy para masiguro na muling makakamit ng bansa ang overall championship sa biennial meet.

“This is the fourth time na host tayo sa SEA Games during the 1991 and 2005 suwerte po na bahagi tayo ng POC at tagumpay tayo during that time. Ngayon po, target natin muling magchampion at hindi natin ito makakamit kung walang pagkakaisa,” pahayag ni Lopez sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Dating PBA player na sapilitang nanghalik ng babae sa bar, himas-rehas!

Ayon kay Lopez, hindi maiiwasan ang ‘divisiveness’ dahil sa pagkakaiba ng mga opinyon, ngunit hiniling niya na dapat na mag-usap at mag-focus para sa bayan.

“Konting tiis lang siguro. Ibinoto po ninyo ang mga kasalukuyang opisyal sa POC, kung may gustong pagbabago next year election na saka na ninyo ilagay kung sino ang gusto ninyo. Sa ngayon, focus tayo sa SEA Games. Mahirap nang mapahiya tayo,” ayon sa pangunahing author sa batas na nagbuo ng Philippine Sports Center.

Nagbigay naman ng paalala si Ali Atienza, dating taekwondo champion at ngayo’y tumatakabong Congressman sa Manila District 5, sa mga atleta na sasabak sa biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 11.

“Always aim for the gold,” sambit ni Atienza sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), National Press Club at HG Guyabano Tea Leaf Drink.

“The attitude must be ‘it’s gold or nothing.”

Iginiit ni Atienza na ang sports ay hindi 100 percent physical.

“Kadalasan diyan mental. Kasi kapag feeling mo matatalo ka sa laban at hindi ka sigurado, e di huwag ka nang lumaban dahil tiyak na matatalo ka,” ayon kay Atienza, lone gold medalist sa 1994 Asian Taekwondo Championships.

“Noong head pa ako ng Masco (Manila Sports Commission) tinatanong ko ang mga atleta bago pa man sila lumaban kung sino sa kanila ang mananalo ng gold. May mga nagtataas ng kamay, yun ang mga malalakas ang loob at may kumpiyansa sa sarili. Pero yung mga hindi nagtataas ng kamay, yung iba doon, hindi ko na pinapalaban.”

Kung papalarin na makasampa sa Kongreso, sentro ng kanyang programa ang sports, at kabilang sa kanyang isusulong na maging undersecretary ng Department of Education (DepEd) ang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

“The PSC chairman will have a dual function. Aside from heading the country’s sports arm, the chairman will also lead the sports program of DepEd in line with the grassroots program of the PSC,” aniya.

“Ang problema kasi ngayon, walang continuity at kadalasan hindi naa-identify yung mga batang atleta na may potensyal sa Palarong Pambansa. If the PSC is involved, maa-identify na yung mga bata at mate-train ng maayos through PSC.”

-EDWIN ROLLON