Metro Manila, inilatag na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang panandalian, katamtaman at pangmatagalan na mga solusyon na sinasabing magbibigay ng siguradong sapat na supply ng ligtas at malinis na tubig sa loob ng lima, 10 hanggang 50 taon.

Ang programang ito ay inilahad ni MWSS Administrator Reynaldo V. Velasco sa cabinet meeting sa Palasyo nito lamang nakaraang Lunes, matapos siyang maging “punching bag” sa biglang paglitaw ng problema sa tubig sa Kamaynilaan, nang inguso ng iba’t ibang sektor na ang kanyang opisina umano ang dapat managot sa naging kapalpakan ng concessionaire na Manila Water.

“Let me emphasize that it is only under the Duterte administration that has put premium on the need to construct new water supply sources starting with the 600 million liters daily (MLD) Kaliwa Dam since Angat was last built in 1967 that continue to supply 4,000 MLD of water to Metro Manila and adjoining provinces,” ang sabi ni Velasco. “The present MWSS Board of Trustees and management have bucked down to work to insure that there will be water security during the Duterte Administration with at least 1,518 MLD by 2022,” dagdag pa niya.

‘Yun lang, sa pagkakaalam ko – may mga sources din kasi ako sa “water sector” dahil mahigit 30 taon nilang kasa-kasama sa trabaho ang dati kong GF na si Aymi V. Veridiano – hindi dapat sisihin sa nangyaring kapalpakan ang MWSS Board of Trustees na pinangungunahan ni Velasco, dahil na-convene sila nito lamang nakaraang Pebrero. Ngunit sa halip na ipasa ang sisi sa ibang grupo na dapat managot sa nagaganap na problema sa tubig, nag-“double-time” ang bagong MWSS Board sa pag-review ng mga nakatenggang proyekto at mga tinatawag nilang “much needed complementary projects”.

Inisa-isa niVelasco ang mga proyektong nakalatag na, at sinisigurado niya na “doable and implementable” at pawang mga minamadali na: MLD Putatan (2019); 100 MLD Cardona (2019); 188 MLD Sumag (2020); 50 MLD Rizal Wellfield (2020); 80 MLD Calawis Wawa (2021); 100 MLD Putatan 3 (2022); 250 MLD Lower Ipo; at 600 MLD Kaliwa Dam (2023).

Ang mga sinasabi naman niyang “medium-term water source projects” mula 2023 hanggang 2027 ay ang mga sumusunod: 420 MLD Wawa Dam; 250 MLD East Bay; 350 MLD Bayabas Dam; 550 MLD Angat Norzagaray Phase 2; 250 MLD East Bay; 750 MLD Sierra Madre; at 1,800 MLD Kanan River Phase 1.

Ayon kay Velasco, upang maisakatuparan ang tinatawag nilang “New Water Security Roadmap (2019-2022)” kinakailangan na matapos agad at makumpleto ang mga proyektong nakasalang ngayon na Aqueduct 6 at Tunnel 4 -- malalaking tubo na daluyan ng tubig, na dahil sa laki ay kasyang-kasya na dumaan dito ang truck ng container van -- na mga naumpisahan ngayong administrasyon ni Duterte at MWSS Board na pinamumunuan niya.

“The capacity of 1,600 MLD will be enough to bring more excess water from Angat-Ipo to La Mesa Dam next year. We hope to operationalize these two projects by January of 2020. In addition, Aqueduct 7 and Tunnel 5 are now on stream to provide another 1,600 MLD to flow towards La Mesa Dam. These projects are targeted to be completed by June 2022. The completion of these aqueducts and tunnel system will optimize the flow of excess water from Angat to La Mesa Dam,” ang pagmamalaking sabi ni Velasco.

Harinawang matapos agad ang mga proyektong ito, dahil hindi biro ang malawakang problema sa tubig kapag nagkaaberyang muli sa distribusyon nito.

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected].

-Dave M. Veridiano, E.E.