Sa pagbitiw ni Liza Soberano, sino na ang bagong Darna?

Liza Soberano

Liza Soberano

Sa isang pahayag, kinumpirma ng ABS-CBN at Star Cinema na tinanggap nito ang pagre-resign ni Liza sa pelikulang “Darna” dahil nagkaroon ng injury sa daliri ang aktres.

Nagtamo ng finger bone fracture si Liza habang ginagawa ang isang fight scene sa set ng teleserye niyang “Bagani” noong nakaraang taon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sumasailalim pa rin siya sa gamutan hanggang ngayon, at nagre-recover na rin mula sa trauma.

Matapos ang konsultasyon sa kanyang mga doktor, napagpasyahang pinakamainam na hindi na lang gawin ni Liza ang “Darna” dahil hindi rin niya magagawa ang mga stunts na kinakailangan sa pelikula dahil sa iniinda niyang injury.

“It was hard. I had multiple meetings with the managers. I really wanted to do Darna. I invested so much time, so much effort. Physically I was ready, I felt like I was ready before the incident,” sinabi ni Liza sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

“But I don't want the project to suffer just because I don't feel like I could give Darna the justice she deserves.

“I wanted to give my management and my bosses the best Darna they can possibly have.... It was really hard but I realized that maybe this is the best thing for me and also for them as well,” dagdag niya.

Oktubre 2018 nang mag-resign din sa pelikula ang direktor nitong si Erik Matti, at pinalitan siya ng “Heneral Luna” at “Goyo” direktor na si Jerrold Tarog.

Gayunman, patuloy ang paghahanda ng ABS-CBN at Star Cinema sa paggawa sa “Darna”, at sinimulan na rin ang selection process para sa bagong aktres na gaganap sa papel ng orihinal na Pinay superheroine.

Manila Bulletin Entertainment