Patay ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group at tatlong Scout Rangers habang sugatan naman ang siyam na bandido at 13 sundalo nang magkasagupa ang dalawang panig sa Patikul, Sulu ngayong Biyernes.

RANGERS

Sinabi ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo Jr., commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, na nagsasagawa ng combat operations ang tropa ng 5th Scout Ranger Battalion nang makasagupa ng mga ito ang nasa 80 tauhan ng Abu Sayyaf, na pinamumunuan ni Hatib Hajan Sawadjaan, sa Sitio Atol, Barangay Latih, Patikul, Sulu, bandang 6:50 ng umaga kanina.

Sinabi ni Pabayo na tumagal nang 30 minuto ang engkuwentro hanggang sa tumakas ang mga bandido patungo sa kagubatan ng Mt. Dahu sa Patikul.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Pabayo, apat na bandido ang napatay at siyam na iba pa ang nasugatan, habang tatlo naman ang nalagas sa Scout Rangers at 13 sundalo ang nasugatan.

Sinabi ni Pabayo na kaagad na dinala sa Kuta Heneral Bautista Station Hospital sa Jolo, Sulu ang mga sugatang sundalo sakay sa UH-1H helicopters.

“Most of the wounded suffered slight injury due to shrapnel wounds and are now in stable condition,” sinabi kahapon ni Pabayo.

-Francis T. Wakefield