MAGANDA ang simula ng Philippine Women’s National Football Team sa second round ng Olympic Qualifiers makaraang pataubin ang Iran, 2-0 sa larong idinaos sa Doha, Qatar.

Mula sa pagiging tentative sa first half, humataw ang Pinay sa halftime at ginulat ang mga Iranians sa pamamagitan ng dalawang maagang second-half goals.

Unang umiskor si Joyce Semacio sa 47th minute na sinundan ni Alisha Del Campo makalipas ang limang minuto.

Mula roon, naging agresibo ang mga Iranian na umiskor ngunit naging maliksi si goalkeeper Inna Palacios at gumawa ng ilang acrobatic saves upang matiyak ang panalo.

Huling post ni Chino Trinidad, binalikan ng netizens na nagulat sa pagpanaw niya

Mayroon na ngayong 3 puntos ang Team Philippines kapantay ng Chinese Taipei na bahagyang angat sa standings dahil sa mataas na goal difference.

Sunod na haharapin ng Pinay ang Taiwanese sa Sabado (Abril 6) sa Grand Hamad Stadium sa Doha, Qatar ganap na 8:00 ng gabi.

Marivic Awitan