Warriors at Bucks, top seed sa NBA playoffs
PHILADELPHIA (AP) — Pinatunayan ni Giannis Antetokounmpo na siya ang hari sa kasalukuyan sa Eastern Conference.

Nahigitan niya ang kapwa bigman at All-Star at MVP candidate na si Joel Embiid – sa impresibong 45 puntos at 13 rebounds – para sandigan ang Milwaukee sa 128- 122 panalo kontra Philadelphia 76ers nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).
Sa panalo, pormal na kinuha ng Bucks ang No. 1 seed sa Eastern Conference.
Nag-ambag si Khris Middleton ng 22 puntos at tumipa si George Hill ng 20 puntos sa Bucks, tangan ang home-court advantage may tatlong laro pa ang nalalabi sa regular-season.
Nagbalik-akisyon si Embiid matapos ang dalawang laro sa nakubrang 34 puntos, 13 rebounds, 13 assists at tatlong blocks.
Nag-ambag si JJ Redick ng 29 puntos at pumuntos si Mike Scott ng 22 punto sa Sixers na bentahe ng dalawang laro sa Boston para sa No.3 seed sa East.
Abante ang 76ers ng pitong puntos sa fourth quarter nang maisalpak ni Embiid ang three-pointer may 8:14 ang nalalabi. Ngunit, umarya ang Bucks,sa pangunguna ni Antetokounmpo, matunog para sa MVP award, nang maitabla ang iskor sa 119-all may 1:24 ang nalalabi.
Tinuldukan ni Antetokounmpo ang panalo sa isang jumper at krusyal na butata kay Embiid sa huling isang minuto ng laro.
WARRIORS 108, LAKERS 90
Sa Los Angeles, tulad ng inaasahan, mistulang nagensayo lamang ang Golden States sa magaan na panalo laban sa LeBron James-less Los Angeles Lakers.
Hataw si DeMarcus Cousins sa naiskor na 21 puntos at 10 rebounds para pangunahan ang Warriors sa one-sided win at patatagin ang tangan sa No.1 seed sa Western Conference.
May nalalabing apat na laro sa regular-season, tangan ng Warriors ang best record sa West (54-24), tangan ang dalawang larong bentahe sa nakabuntot na Denver Nuggets. Nakuha ng defending NBA champions ang Pacific title sa ikalimang sunod na season at tangan ang bentahe sa tie-breaker sa Nuggets para sa top seed.
Nag-ambag si Kevin Durant ng 15 puntos, walong assists at anim na rebounds, habang tumipa si Stephen Curry ng pitong puntos mula sa 3-of-14 shooting at 10 rebounds.
Nanguna si Johnathan Williams sa Lakers na may 17 puntos at career-high 13 rebounds mula sa bench, habang umiskor si JaVale McGee ng 13 boards.
Maagang naginit ang Warriors sa impresibong 64 percent sa floor at umabante sa pinakamalaing bentahe sa 27 puntos.
Nag-ambag si Quinn Cook ng 18 puntos para sa Warriors.
KINGS 117, CAVS 104
Sa Sacramento, Calif., nadomina ng Kings, sa pangunguna ni De’Aaron Fox na may 16 puntos at 10 assists, at Buddy Hield na may 23 puntos ang Cleveland Cavaliers.
Ratsada si Marvin Bagley III ng 15 puntos , habang kumana si Bogdan Bogdanovic ng 15 puntos at walong rebounds para sa Sacramento.
Kumana si Collin Sexton ng 19 puntos para makasama sina LeBron James at Ron Harper sa listahan ng Cavaliersrookies na may 1,300 puntos. Si Sexton ang ika-10 rookie sa kasaysayan ng NBA .
Kumubra sa Cavs sina Ante Zizic na may 14 puntos at 10 rebounds, Larry Nance Jr. na kumana ng 11 puntos at 16 boards para sa Cleveland (19-60).