Binigyang-diin kamakailan ng Social Security System (SSS) na ang pagtaas ng kontribusyon sa mga miyembro nito ay gagamitin para sa mas magandang benepisyo.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni SSS Acting Media Affairs Head May Rose Francisco na ang pagtaas ng konstribusyon sa nagsisiguro na maayos ang pondo ng ahensiya para sa lahat ng mga miyembro nito.

“It ensures that the fund is more stable and that we may be able to be prepared for the future benefit of the members. That means we will have higher amount when we give out benefits to them in the near future,” aniya.

Dagdag pa ni Francisco isa sa pangunahing pinagkukunan ng pondo ng SS ay mga kontribusyon ngunit humahanap na ang ahensya ng ibang paraan upang mapalago ang kanilang pondo.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“So, we really need to collect contributions from our members and our partners are the employers so we reach out to them and make sure that they pay out the contributions of their employees. With the kind of management SSS has had in the past years, we’re able to make assets grow and give benefits to our members at present and also in the future,” aniya.

Nitong nakaraan buwan, inanunsiyo ng SSS ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro nito mula 11 porsiyento patungong 12%, simula ngayong Abril 1.

“The increase in contribution rates is based on the new law that has been passed as for the additional PHP1,000 that is one thing the SSS is working on as to the time, I don’t have the timeframe when the additional benefit will be given surely we will inform our members through media when the fund will be stable enough for another round of additional benefits for our members,” paliwanag ni Francisco.

Aniya, magkakaroon din ng panibagong 1% pagtaas ng kontribusyon sa susunod na dalawang taon, o magiging 13% pagpatak ng 2021.

Hinikayat din niya ang mga miyembro ng huwag ituring na pabigat ang kontribusyon dahil ang “SSS contributions are a form of savings”.

“Because all of this will be coming back to them in the form of benefits. Remember there are fixed benefits we give to members not only pension and another new benefit incorporated in the new law which is the unemployment insurance so with all these, we hope the members will understand, the members will be helping us out to make sure the fund is more stable,” aniya.

(PNA)