CEBU CITY — Labinglimang taong maghihimas ng rehas ang isang 32-anyos na babae sa pambubugaw sa kanyang 14-anyos na anak at dalawa pang menor de edad sa San Fernando, Cebu, iniulat ngayong Biyernes.

EXPLOIT_ONLINE

Guilty ang suspek, na hindi pinangalanan para sa proteksiyon ng kanyang anak, sa attempted trafficking in persons.

Pinagbabayad ang suspek ng P1,150,000 bilang multa.

Inaresto ang suspek sa entrapment operation sa bahay nito sa San Fernando nitong Mayo 16, 2018.

Probinsya

11-anyos na manlalaro ng sepak takraw, patay matapos mabulunan sa headquarters!

Nahuli ng mga operatiba ng Women and Children Protection Center-Visayas Field Unit ang suspek na inaalok ang kanyang anak at kinukunan ng malalaswang video, kapalit ng pera mula sa mga parokyano sa online.

Sinagip ng awtoridad ang bata at dalawang iba, na nadiskubreng mga biktima sa isinagawang online surveillance.

-Calvin D. Cordova