Sinibak at kinasuhan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde ang isang security officer sa Clark Development Corporation (CDC) at mga tauhan nito nang bastusin umano ang kanyang anak, iniulat ngayong Biyernes.

Philippine National Police Chief Director Oscar Albayalde (kuha ni Kevin Tristan Espiritu)

Philippine National Police Chief Director Oscar Albayalde (kuha ni Kevin Tristan Espiritu)

Ayon kay Police Brig. Gen. Joel Coronel, director ng Police Regional Office- 3 (PRO-3), kinasuhan si Police Col. Romeo Ver, hepe ng CDC Public Security Development Office at mga tauhan nito sa paglabag sa Revised Penal Code, grave coercion, unjust vexation at direct assault upon an agent or a person in authority.

Ayon kay Colonel, nag-park si Kevin Albayalde malapit sa football field sa Clark Freeport at nag-jogging nang lapitan ni Ver at iba pang CDC security personnel nitong Martes, sa ganap na 9:00 ng umaga.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

"Nagpakita agad sila ng arrogance, sinigawan nila 'yung bata at sinabi nila maghintay ka darating na ang ABS-CBN. Ano ang ibig niya sabihin doon? Na-ticketan naman nila 'yung bata. Nagpakilalang anak ko pero lalo nilang sinigawan. We are checking kung allowed sila magdala ng baril," ani Albayalde.

Dinis-armahan din umano ang bodyguard ni Kevin.

Katwiran ng CDC security personnel, napagkamalan umano nilang Chinese si Kevin at ginamit lamang ang pangalan ng PNP chief.

-Fer Taboy