Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Alaska vs NLEX

PAG-AAGAWAN ng Alaska at NLEX ang pangwalo at huling quarterfinals berth sa isang knockout game ngayong gabi upang alamin kung sino ang hahamon sa No.1 team Phoenix sa quarterfinal round ng 2019 PBA Philippine Cup.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ganap na 7:00 ng gabi ang playoff match ng Aces at Road Warriors sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naitakda ang nasabing tapatan pagkaraang magtapos na patas sa barahang 4-7 para sa ikawalong posisyon ang dalawang koponan sa pagwawakas ng elimination round nitong Miyerkules.

Katunayan, nagkaroon ng 3-way tie sa markang 4-7, kung saan kabilang ang Columbian Dyip. Ngunit nalaglag sa No.9 ang huli dahil sa mas mababang quotient.

Isang malaking panalo ang itinala ng Road Warriors kontra Aces nang magkaharap sila sa eliminations noong Marso 13 sa iskor na 70-91 sa Araneta Coliseum.Pero sa pagkakataong ito, inaasahang mahigpit ang magiging laban ng magkaribal kung saan manggagaling ang kukumpleto sa casting ng Philippine Cup quarterfinals.

Ang mabibigong koponan ay makakaramay ng Blackwater, Meralco at Columbian Dyip sa bakasyon.

“We are alive and breathing still with a chance to battle and honor the game. We are grateful to have this chance in spite of the crazy conference we have had and we look forward to bringing our best,” pahayag ni Alaska coach Alex Compton.

“A chance is all we could have hoped for and a chance is all we’ve got.

“We still have a chance. May pagasa pa rin kami. And as long as we have a chance to make the next round, that’s okay with me. We will keep our hopes high and we’ll keep the fight to make the next round,” ayon kay NLEX coach Yeng Guiao.

-Marivic Awitan