MATAGUMPAY ang operasyon ng Games and Amusement Board (GAB_ at National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkakabulabog ng operasyon ng dalawang illegal bookies sa Kapampangan Street, Sta. Ana, Manila.

Ang operasyon ay naisakatuparan dahil sa impormasyong natanggap ng mga operatiba na sa nasabing lugar na may nag-ooperate ng illegal na patayaan sa karera ng kabayo. Dahil dito, agad na umaksyon ang GAB at NBI at ikinasa ang casing and surveillance operation noong Marso 26, 2019 kung saan nakumpirma na illegal bookies ang mga nabanggit na pasugalan.

Ang GAB ang ahensya ng gobyerno na may saklaw sa pagtataya sa karera ng kabayo. May mga legal na patayaan o tinatawag na Off-Track Betting Stations (OTBS) na may kaukulang permit mula sa GAB. Ang mga OTBS ay nagbibigay ng karagdagang kita sa GAB mula sa permit fee at porsyentong napanalunan.

Ang GAB sa pamumuno ni Abraham Kahlil B. Mitra ay seryoso sa kampanya laban sa mga illegal bookies at iba pang sugal na may kinalaman sa mga propesyunal na laro at libangan

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe