HINIRANG ang aktor na si Piolo Pascual bilang ambassador ng AMA University OnLine Education.
Mahalaga kay Piolo ang edukasyon at lagi niyang pinaaalalahanan ang anak niyang si Iñigo Pascual na gawing priority ang pag-aaral kaysa pag-aartista.
“Education is a must to achieve your goal and one is never too old para ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi ako nakatapos ng college to give way to showbiz. Hindi pa huli ang lahat dahil magagawa ko ito through AMA Online Education”.
Answered prayer ito para sa aktor na lilipad patungong Florence, Italy para sa eight-week Film Producing course sa satellite campus ng New York Film Academy (NYFA).
Para kay Piolo, mas gugustuhin niyang umarte kaysa magdirek. Ilan sa mga serious films na nagawa ni Piolo ay ang On the Job ni Erik Matti, Hele sa Hiwagang Hapis ni Lav Diaz at Panahon ng Halimaw
-REMY UMEREZ