Pinatawan ng Department of Transportation ng 90-day preventive suspension si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Executive Director Samuel Jardin kaugnay ng alegasyon ng kurapsiyon.

SUSPENDED

Ayon sa DOTr, ipinag-utos ni Secretary Arthur Tugade nitong Miyerkules ang pagsuspinde kay Jardin, kasabay ng pagsasampa ngg pormal na reklamo laban sa huli.

“Along with the order issued yesterday, 03 April 2019, a formal charge has been filed against Jardin for grave misconduct; receiving for personal use a valuable thing in the course of official duties wherein such gift was given in the expectation of receiving favorable treatment; and conduct prejudicial to the best interest of the service,” nakasaad sa pahayag ng DOTr.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nabatid na inaakusahan si Jardin na nag-solicit umano ng P4.8-milyon cash kapalit ng mas mabilis na pag-apruba sa aplikasyon para sa Certificate of Public Convenience (CPC).

Bilang bahagi ng internal investigation ng DOTr, inatasan na rin si Jardin na magsumite ng verified answer, kabilang ang mga documentary evidence, sa loob ng tatlong araw, matapos niyang matanggap ang kopya ng pormal na reklamo.

Nauna rito, inihayag ni Tugade nitong Lunes sa flag-raising ceremony sa central office ng DOTr sa Pampanga, na dalawang matataas na opisyal ng kagawaran ang papatawan niya ng preventive suspension dahil sa alegasyon ng kurapsiyon.

-Mary Ann Santiago