MAGBABALIK na nga sa eksena si John Lloyd Cruz, pero hindi sa telebisyon o pelikula, kundi sa TVC dahil siya ang bagong endorser ng isang shawarma brand.

Kahapon, Wednesday, inilabas sa Facebook account ni John Lloyd ang poster ng bago niyang endorsement, na may caption na “Ang pagbabalik.” Makikita rin sa kanyang Instagram account ang nasabing post.
Inilabas din ang short teaser ng TVC ng Turks Shawarma sa IG ni John Lloyd, at makikitang marami ang excited na makita uli ang aktor kahit sa TVC muna.
Kaya lang dahil sa nasabing TVC, mas marami ang naka-miss kay Lloydie, at nakiusap na magbalik na uli siya sa showbiz.
Maalalang si Piolo Pascual ang isa sa mga nag-post ng black and white picture ni John Lloyd, na nakatagilid, at ang caption ay “If that’s you I’m happy coz you’re my brother. Welcome to the family.”
Endorser din kasi si Piolo ng nasabing shawarma brand.
Nag-post din si Bea Alonzo ng short teaser.
-Nitz Miralles