MARAMI nang fans ang nai-excite sa nalalapit na airing ng bagong romantic-comedy series na Love You Two na tatampukan nina Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado, Shaira Diaz, Jerald Napoles, Kiray at iba pang Kapuso stars.

Gabby at Jennylyn

Totoo kayang madalas na ma-starstruck si Jen kay Gabby tuwing magti-taping sila , dahil parang hindi siya makapaniwala na katambal na niya ang hinahangaan niyang aktor?

“Totoo po,” natatawang sagot ni Jen. “Hindi ko po maisip na makakatrabaho ko ang hinahangaan kong aktor, dati kasi ay pinapanood ko lamang siya sa TV at movies, ngayon leading man ko pa.

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

“At maganda kasi very light ang story, wala iyong nakasanayan ko nang drama, sampalan, sabunutan. Ngayon magpapatawa naman ako, na matagal ko nang hindi nagagawa. Iyon kasing last teleserye ko, ang ‘The Cure’, masyadong seryoso at may konti pa akong action scenes na ginawa.”

Base sa teaser na ipinakita na sa GMA 7, magkapatid sina Jen as Raffy at Shaira as Sam. Pero pareho silang mai-in love kay Gabby. Sino kaya ang pipiliin ni Gabby sa magkapatid? Magbibigay ba si Raffy sa nakababatang kapatid na si Sam o ipaglalaban niya ang love niya kay Gabby?

“Maganda po sa story ng ‘Love You Two’, nakaka-relate ako dahil sa totoong buhay, ako naman talaga ang nagtataguyod sa family ko na siya ko ring responsibilidad na ginagampanan ko sa romcom namin. Except for Jerald, bago ko lamang makakatrabaho sina Gabby, Shaira at Kiray, kaya looking forward ako lagi tuwing may taping kami.”

Mapapanood na ang Love You Two sa ikatlong linggo ng buwang ito

-NORA V. CALDERON