HALATANG in love at masaya ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro nang humarap sa mga entertainment press after niyang pumirma ng contract as the new brand ambassador ng Symply G Hair & Skin Care.

Glaiza copy

Si Mr. Glenn Sy ay humanga na kay Glaiza bilang isang social media influencer dahil sa kanyang active lifestyle. Humanga rin siya kay Glaiza nang hindi agad nito tinanggap ang offer at sinubukan munang gamitin ang kanilang mga produkto, shampoo, conditioner, soap at lotion. Ayaw daw nitong mag-endorse ng products na hindi naman niya gagamitin.

Hindi raw naman siya vain, maalaga lamang siya sa kanyang sarili mula sa kanyang hair, to her face and body. Inamin din kasi ni Glaiza na medyo nasira ang hair niya sa papalit-palit na color at style noong ginagawa niya ang soap niyang Contessa.

Now, si Glaiza na ang bagong Symply G (Gorgeous, Glaiza) endorser. Kasama niya si Diane Medina at ang millennial endorser na si Kyline Alcantara.

Gusto hawakan beat ni Bieber? Fan sa Coachella, inintriga ng netizens

Natawa na lamang si Glaiza nang sabihan siya ng press na hindi na siya pagsasabihang lesbian dahil ang tagal na niyang loveless at walang nali-link sa kanya, ngayong open na siya sa pagsasabing may boyfriend na siya, ang Irish surfing instructor na si David Rainy, na na-meet niya last year nang magbakasyon sa Siargao.

September 2018 nang maging sila ni David, na ang unang ginusto noon ay ma-meet ang family ni Glaiza. Five months na sila ngayon ni David, hindi ba mahirap ang long distance relationship?

“Medyo mahirap po kasi eight hours ang time difference natin at ng UK/Ireland,” sagot ni Glaiza. “Pero ang sweet po ni David, kapag alam niyang gising na ako, gigising siya para lamang mag-greet siya sa akin at sa family ko.

“Answered prayer ko si David kay Lord. Hiningi ko sa Kanya na bigyan ako ng mabait na lalaki na masasakyan ang topak ko.

“Nakakatuwa kasi pareho kaming weirdo. Hindi nga niya alam na artista ako nang una kaming magkakilala. Family-oriented din si David at na-meet ko na ang family niya nang pumunta ako ng UK. They are very accommodating, maalaga at first time akong naka-meet ng ibang lahi na sobrang warm at parang hindi naiiba sa ating mga Pinoy.”

Last January, Glaiza turned 31 at si David naman is 30. Sa tanong kung pinag-uusapan na nila ang kasal, napag-uusapan na raw nila at parang nakikita na niya na magiging sila na talaga.

Paano kung gustuhin ni David na sa Ireland sila manirahan?

“Pinag-usapan na namin iyon, na hindi ako aalis ng Pilipinas, siya ang mag-a-adjust sa akin. Pero sa ngayon po ay hindi ko muna iniisip iyon, in-enjoy ko muna iyong mga times na magkasama kami kapag pumupunta siya rito.”

Masaya raw ang friends ni Glaiza na may boyfriend na siya at na-meet na rin nila si David.

Si Mommy Cristy ni Glaiza ay tinanong namin kung payag na silang magpakasal if ever si Glaiza kay David?

“Yes, nasa right age na siya at kung gusto na nilang magpakasal, hindi kami tatanggi,” sagot ni Mommy Cristy. “Nakilala na naming mabait si David at nakilala na rin ni Glaiza ang family niya.”

Nalaman din namin na tatlo lamang pala sina David, iyong eldest nila at may kakambal na babae si David, kaya biro namin kay Glaiza, may possibility na magkaanak pala siya ng kambal.

Sa ngayon ay naggi-guest muna si Glaiza sa primetime epic serye na Sahaya, sa GMA 7, bago siya mag-start ng bago niyang teleserye.

-Nora V. Calderon