Dinukot ng mga armado nitong Miyerkules ng gabi ang dalawang katao sa isang restaurant sa Sta. Rosa City, Laguna, at isa sa mga ito ay aide ng pinaslang na si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.

Dating Tanauan City Mayor Antonio Halili

Dating Tanauan City Mayor Antonio Halili

Ayon kay Col. Eleazar Matta, director ng Laguna Police Provincial Office, kumakain sina Allan Fajardo at Ricky Atienza sa isang restaurant sa Sta. Rosa, dakong 8:00 ng gabi nang dumating ang isang grupo ng mga armado at sapilitang isinama ang dalawa.

“They forcibly anducted the two victims afterwards loaded to a white van then fled towards unknown direction," ani Matta.

Sinabi ni Matta na si Fajardo ay close associate ni Mayor Halili at empleyado pa rin sa Tanauan City Hall, habang si Atienza ay iniulat na driver at security escort ni Fajardo.

‘Personal comment iyon!’ Torre, nagsalita na sa ‘paldo’ comment ng misis

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente batay sa tatlong anggulo: si Fajardo, ayon kay Police Regional Office (PRO)-4A director Brig. Gen. Edward Carranza, ay nasa narco-list ni Pangulong Duterte; nasa listahan ng criminal gangs sa Calabarzon; at may scrap metal business sa Batangas.

-Aaron Recuenco