NAKAUKIT na ang pangalan ni Mayor Joseph Estrada as a pillar at iconic figure ng local movie industry. Ang kanyang mga achievements ay mahirap pantayan both as an actor at politician.

Sa larangan ng pelikula, siya at ang yumaong si Fernando Poe Jr., ang kinilalang “hari”. Sampung pelikula ang pinagtambalan ng dalawa. Mapelikula man o public servant, nagsimula sa ibaba si Erap na mula sa pagiging mayor ng San Juan noong 1969 ay naging senador siya noong 1987, bise-presidente noong 1992 at taong 1998 naman siya nahalal bilang pangulo ng Pilipinas.

Bilang kasaluyang mayor ng Maynila, pangarap ni Erap na muling ibalik ang old glory ng siyudad bago matapos ang kanyang termino.

Huling napanood si Erap in a comedy movie na ang leading lady niya ay si AiAi delas Alas, ilang taon na ang nakalipas. Ayon kay Erap who is turning 81 this April (at natapat on Good Friday), manaka-

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

nakang nami-miss niya ang paggawa ng pelikula. Ngunit ang pumipigil sa kanya, “Ayoko ng mag-movie. Baka makarinig ako ng, ‘ang tanda tanda na ni Erap’. Gusto kong manatili sa kanilang isipan ang image ko bilang isang action star”.

-REMY UMEREZ