NAGKAROON ng malaking pagkakataon ang walang talong si Esneth Domingo na hamunin ang kababayang si Alphoe Dagayloan para sa World Boxing Association (WBA) Asia flyweight belt sa Abril 13 sa Bacoor, Cavite.

“I think this will be his most important fight. This is his first championship, and it’s for a regional title. My advice to him is that he has to do everything to win. I’m sure he’s ahead in power and skills,” sabi ng tiyuhin ni Esneth na nagsasanay sa kanya na si dating world title challenger na si Michael Domingo sa Philboxing,com.

May kartadang perpektong 11 panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts si Domingo na sasabak sa boksingerong galing sa walong sunod na panalo at isang tabla, kabilang ang pagwawagi laban sa boksingero mula sa Kazakhstan na dating walang talong si Madiyar Zhanuzak via 8th round TKO sa sagupaan sa Ekaterinburg sa Russia.

Nahablot ni Dagayloan ang bakanteng WBA regional title sa pagtalo kay Danrick Sumabong noong nakaraang Enero 26 sa Bacoor, Cavite para mapaganda ang kanyang rekord sa 12-2-5 win-loss-draw na may 5 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics