MAY bago na namang coach ang koponan ng Blackwater Elite’s sa susunod na PBA Commissioner’s Cup.

Itinalagang interim coach ng Elite ang kanilang long time assistant coach na si Aris Dimaunahan.

Ito’y matapos ang biglaang pagbibitiw ni dating coach Bong Ramos kasunod ng maagang naging exit ng koponan sa 2019 Philippine Cup kung saan tumapos silang may markang 2-9, isang di inaasahang pagtatapos pagkaraan ng playoff run nila noong 2018 Governors Cup kung saan nagtala sila ng franchise-best na kartadang 7-4 .

“We have accepted his(Ramos) resignation and appointed Aris Dimaunahan as interim coach,” ayon kay team owner Dioceldo Sy.

Matagal ng assistant coach ng team si Dimaunahan mula pa noong panahon ng dating coach na si Leo Isaac.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Magsisimulang maupo si Dimaunahan sa umpisa ng kanilang team practices sa susunod na linggo.

Ang dating manlalaro ng Barangay Ginebra ay patuloy na aasistihan ng mga legends na sina Rommel Adducul at Bogs Adonardo.

Nauna rito, itinalaga si dating assistant coach Patrick Aquino bilang interim team manager matapos magbitiw ang dating manager na si Joel Co.

-Marivic Awitan