HINIKAYAT kamakailan ni Major Gen. Fernando Trinidad, commanding officer ng Army’s 9th Infantry Division (9ID) sa Bicol ang publiko na laging alalahanin ang beterano ng digmaan para sa kanilang katapangan at pagkamakabayan na nagbigay lakas sa kanila upang makipaglaban at ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas mula sa kamay ng mga dayuhang mananakop.

Ang naging talumpati ni Trinidad ay bahagi ng ika-74 na anibersaryo ng makasaysayang pagdaong sa golpo ng Albay na pinangunahan ni Mayor Noel Rosal.

Sa baybayin ng Barangay Rawis ng lungsod, nakipagdigma ang puwersa ng mga Pilipino-Amerikano laban sa mga sundalong Hapon sa isang matinding digmaan noong Abril1, 1945, kung saan matagumpay na nagapi ng puwersa ang mga kalaban.

“This activity is a tribute most especially for the heroism of our fellow Filipino soldiers and also our ally -- the US forces who offered the ultimate sacrifices for the freedom that we enjoy today. To our veterans, you are a living testament of courage, patriotism and selflessness. You symbolize hope to all of us and make us believe that as Filipinos, we can rise up to be the best when the moment requires us to do so,” ani Trinidad.

Sinabi rin ng 9ID commander na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay naninindigan sa hangarin nitong “serving the people and securing the land”.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis

“With this, we will continue to fight and defend our country to preserve the freedom,”aniya.

Umapela rin si Trinidad sa lokal na pamahalaan ngh Legazpi upang patuloy na suportahan ang tropa sa patuloy na digmaan laban sa mga masasamang elemento.

“The 9ID will serve and protect the Bicolanos by providing different programs which are responsive to the needs of our people,” pangako ng opisyal.

“We become stronger when we are united. Let us seek peace and make it endure for the benefit of all,” saad pa niya.

PNA