Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

12:00 n.t. -- Batangas-EAC vs. Go-for- Gold - St.Benilde

2:00 n.h. -- Cignal-Ateneo vs. Petron- Letran

4:00 n.h. -- SMDC-NU vs. Metropac- San Beda

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

SOLONG ikalawang puwesto sa Aspirants Group ang pag-aagawan ng Cignal-Ateneo at ng Petron-Letran sa pagtutuos nila ngayong hapon sa pagbabalik ng aksiyon sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kasalukuyang nasa 3-way tie sa ikalawang posisyon kasalo ng Chelu Bar and Grill at Knights ang Blue Eagles taglay ang markang 3-1, sa likod ng mga namumunong University of Santo Tomas at St.Clare College-Virtual Reality (4-0).

Nakatakdang magsimula ang salpukan ng dalawang koponan ganap na 2:00 ng hapon kasunod ng unang laban sa pagitan ng Batangas-Emilio Aguinaldo College at ng Go-for-Gold- College of St.Benilde ganap na 12:00 ng tanghali.

Kukompletuhin naman ang nakatakdang triple bill ng tapatan ng SMDC-National University at Metropac-San Beda College ganap na 4:00 ng hapon.

Mag-uunahang makapagtala ng ikalawang panalo ang Generals at ang Scratchers na ngayo’y nasa 3-way tie sa ikatlong posisyon ng Aspirants Group kasalo ng AMA Online Education taglay ang barahang 1-3.

Tatangkain namang kumalas ng Movers mula sa pagkakatabla nila sa ikalawang puwesto ng Foundation Group kasama ng Valencia City- San Sebastian College at Wangs Basketball taglay ang markang 3-1 para makaagapay sa solong lider na Centro Escolar University(4-0).

Paborito ang Movers kontra sa katunggaling Bulldogs na di pa rin nakakatikim ng panalo matapos ang apat na laro.

-Marivic Awitan