NAKATAKDANG maglaban sina WBO No. 1 Aston Palicte ng Pilipinas at Hapones na si WBO No. 5 Kazuto Ioka para sa WBO super flyweight title na binakante ni four-division world tilist Donnie Nietes sa Hunyo 19 sa Osaka, Japan.

Ayon sa Fightful.com, ang sagupaan nina Palicte at Ioka ang kauna-unahang world boxing title bout na ipapalabas sa live streaming sa UFC Fight Pass.

“At the start of the most recent Roy Jones Jr. Boxing Promotions card that was streamed on UFC Fight Pass, Kevin Veltre, the promotional company’s CEO, gave an update on negotiations for the title bout. Veltre did say that the fight is ‘super close to being finalized’ and even gave a date Japan,” ayon sa ulat.

“The interesting part is that Veltre also said the fight will be shown on UFC Fight Pass, meaning it is the first boxing world championship bout exclusive to the streaming service,” anila.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Iniutos ng WBO ang sagupaan nina Palicte at Ioka makaraang bitiwan ni Nietes ang titulo upang bigyan ng pagkakataon ang kanyang kababayan na maging kampeong pandaigdig.

Naglaban sina Nietes at Palicte noong Setyembre 8, 2018 sa The Forum, Inglewood, California sa United States kung saan nauwi sa split draw ang laban kaya nanatiling bakante ang WBO super flyweight title.

Iniutos ng WBO na magharap sina Nietes at Ioka noong Disyembre 31, 2018 sa Macau, China kung saan nagwagi ang Pinoy boxer via 12-round split decision kaya naging WBO junior bantamweight titleholder.

Nagharap naman sina Palicte at No. 3 contender Jose Martinez ng Puerto Rico sa 12-round eliminator bout noong Enero 31, 2019 sa Alpine, California kung saan nagwagi ang Pinoy boxer via 2nd round knockout kaya naging mandatory contender ni Nietes.

May rekrod si Palicte na 25-2-1 na may 21 pagwawagi sa knockouts samantalang may kartada si Ioka na 23 panalo, 2 talo na may 13 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña