sotto

OFF TO US! Tinanggap ni basketball prodigy Kai Sotto, Chooks-to-Go brand ambassador, ang Philippine flag mula sa mga opisyal na #MagingMagiting campaign partners -- Bounty Agro Ventures Inc. (BAVI) at Ayala Foundation Inc. (AFI) – sa ginanap na send-off ceremony para sa 7-foot-2, 16-anyos rising star na nakatakdang sumailalim sa matinding pagsasanay sa US upang maihanda ang sarili sa mas mataas na level ng kompetisyon at magkaroon ng katuparan ang pangarap na makalaro sa NBA. Nagbigay ng mensahe at paalala sa top junior cager sina BAVI president and general manager Ronald Mascariñas (ikalawa mula sa kanan) at AFI president Ruel Maranan (iaktlo mula sa kaliwa). Kasama rin sa larawan sina AFI corporate communications senior director Celerina Rosales-Amores at dating PBA player Ervin Sotto, ama ni Kai.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad