IKINALUNGKOT ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Baham Mitra ang malungkot na insidente kung saan kasalukuyang nakaratay ngayon sa ospital ang Pinoy fighter na si Renerio Arizala matapos ang laban sa Japanese rival kamakailan.

Ipinahay ni Mitra na kasama ang GAB sa dalangin ng pamilya, kaibigan at mga kapwa boxers sa agarang kalunasan sa sinapit ni Arizala.

Nagtamo si Renerio (13W 8L 3D) ng technical knockout loss sa ikaanim na round ng laban kontra Tsuyoshi Tameda (18W 4L 2D) nitong Marso 31 sa Yokohama.

“Both boxers are almost the same age. They have fought the same number of fights (25) although our countryman has fought more rounds (160) than his opponent (94).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Despite all the established safety measures of the Philippines and Japan, all of which have been complied with, it is unfortunate that our boxer sustained injury requiring hospitalization. Utmost care is being afforded to him and according to the Japanese matchmaker, Renerio is responsive to medical treatment,” pahayag ni Mitra sa opisyal na pahayag ng GAB sa insidente.

Ayon sa GAB, nasunod ang lahat ng requirement na ipinatutupad bago ang laban at ang insidente ay isang kaganapan na hindi sakop sa kontrol ng regulasyon ng anumang boxing body.

“GAB shall continue to monitor his status and will issue updates periodically,” sambit ni Mitra