Usap-usapan ngayon sa social media ang Instagram post ni John Lloyd Cruz na patungkol sa isang Beef Pita Doner nitong April 1.

JOHN LLOYD

Nakalagay sa caption: “Hindi lahat ng umaalis, hindi na babalik... Minsan kailangan lang ng pahinga.

“BABALIK NA! Ano at sino? Malapit na malapit na.”

'Very disrespectful!' Bea Borres tinalakan transwoman na nagbirong niregla, buntis siya

Kalakip nito ang isang larawan ng isang lalaking naka-side view at naka-sumbrero. Kung titignang mabuti, may hawig ito sa award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Ngayong Martes, April 2, mas lalo pang umingay ang usap-usapang si John Lloyd nga ang nasa larawan dahil naman sa Instagram post ng aktor ding si Piolo Pascual.

Sabi ni Piolo sa caption: “If thats you I’m happy coz you’re my brother. Welcome to the family!”

Base sa mensahe ni Piolo, ‘tila makakasama na niya si John Lloyd sa produktong kanyang iniendorso.

Si Piolo ang pumalit kay John Lloyd sa family sitcom nitong Home Sweetie Home.

Mula noong October 2017 ay naka-indefinite leave sa showbiz si John Lloyd, kasunod ng kontrobersiyal na Bantayan Island, Cebu, escapade nila ng Home Sweetie Home co-star na si Ellen Adarna.

Pagkatapos ng mahigit isang buwan, iniulat ng PEP na nagdadalantao si Ellen at si John Lloyd ang ama ng dinadala niya.

Fast forward to June 2018, isinilang ni Ellen ang isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang Elias Modesto, bilang pagbibigay-pugay sa namayapang ama ng sexy star.

October 2018, umamin sa wakas si John Lloyd na may anak na nga sila ni Ellen.

Hindi man visible sa showbiz events ang dalawa, may mga pagkakataong nakikita ng publiko si John Lloyd na ini-enjoy ang pribado at simpleng buhay.

-ADOR SALUTA