KABILANG ang American pop stars na sina Lady Gaga at Ariana Grande sa “offensive lyrics” list na ipinrisinta sa mga miyembro ng parliament sa Singapore bilang bahagi ng pahayag ng city-state’s home minister sa hate speech.

LADY GAGA

Ang naging pahayag ng minister ay lumabas halos isang buwan mula ng ma-ban ang concert ng Swedish black metal group Watain’s sa Singapore dahil sa “(history of) denigrating religions and promoting violence”.

Mahigpit ang patakaran ng Singapore para sa pampulikong pahayag at ang media, lalo na kung patungkol ito sa lahi at relihiyon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Isang larawan ng naging pahayag ng minister tungkol sa “restricting hate speech” ang ipinost sa Facebook ng opposition MP Chen Show Mao kamakailan, kasama ng caption na “lesson of the day”. Higit 1,000 na ang share nito at nakatanggap ng daan-daang komento.

Nabanggit sa listahan ang Judas ni Lady Gaga at God is a woman ni Ariana Grande, kasama ng iba pang awitin tulad ng Heresy ng Nine Inch Nails at Take me to the Church  ng Hozier.

Kapwa dati nang nagdaos ng konsiyerto ang dalawang pop stars sa Singapore.

Sa Facebook post ni Singapore’s home affairs minister K. Shanmugam, iginiit nitang ang paglabas niya ng listahan bilang ilustrasyon ng mga bagay na maaaring mapansin ng publiko na ‘offensive.’

“Doesn’t mean that it can all get banned, just because some people find it offensive,” giit ni Shanmugam.

Sa kanyang speech nitong Lunes, sinabi ng minister na ang paraan na ginawa ng pamahalaan ay suportado ng “common sense.” Dagdag pa niya, na ang pagbabawal ng lahat ng nakikitang “insulting or offensive” ng sinuman ay “not doable.”

Ang naging pahayag ng minister ay naganap isang araw matapos isumite ng Singapore  ang isang wide-ranging fake news legislation sa parliament, na nagbigay pangamba sa mga internet companies at  human rights groups, hinggil sa posibleng pagmamalabis sa kapangyarihan at paghadlang sa kalayaan sa pagpapahayag.

-Reuters