Aksidenteng napatay ng driver ang isang hindi pa nakikilalang lalaki nang mabagsakan ng steel truss mula sa crane na ino-operate ng una sa Tondo, Maynila.

STEEL TRUSS

Inaresto si Ernie Tomas Domingo, 41, ng Jasmin Street sa Tondo, at kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide matapos ang insidente na naganap sa labas ng F. G. Calderon High School nitong Martes, bandang 10:45 ng umaga.

Ayon sa mga imbestigador, dumadaan ang biktima sa gilid ng boom truck nang isa sa apat na steel trusses – na gagamitin sa pagbububong ng school gymnasium – ay inangat ni Domingo sa pamamagitan ng crane at biglang nahulog at bumagsak sa biktima.

Metro

‘Don’t be like Brice Hernandez!’ Sec. Dizon, nagbabala sa kabataang papasok sa DPWH

Ang biktima, nasa edad 40-45 at nakasuot ng dilaw na shirt at asul na short pants, ay isinugod sa Ospital ng Tondo, ngunit dead on arrival.

Dinala ang kanyang labi sa Archangel Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping.

-Ria Fernandez at Mary Ann Santiago