PINAMUNGAJAN, Cebu – Dinampot ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad nang masamsaman ng iligal na droga ang bahay nito sa Pinamungajan, Cebu, kaninang ng umaga.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Socrates Norteza Bancog, 41, kagawad ng Barangay Mangoto, ng nasabing bayan.
Isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Barili, Cebu Regional Trial Court Branch 60 Judge Leopoldo Cañete, sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possession of firearms and ammunitions), ayon kay Capt. Alejandro Batobalonos, hepe ng Provincial Intelligence Branch (PIB).
Bukod sa drogang aabot sa 75 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P510,000, nakumpiska rin sa raid ang dalawang cal. 38 revolver na may 17 na bala.
Binanggit pa ng pulisya na kabilang si Bancog sa kanilang “high value drug target” at ito ay nasa likod umano ng talamak na bentahan ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang bayan.
-Lesley Caminade-Vestil