Pakikilusin ng bagong batas na naglalayong mapalakas ang mga batas na nagsusulong sa kalusugan ng mga ina at kanilang mga sanggol sa unang 1000 araw ng buhay, ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para matugunan ang

//July18,2017Dagupan City,Pangasinan//Jojo Riñoza/Manila Bulletin

//July18,2017Dagupan City,Pangasinan//Jojo Riñoza/Manila Bulletinproblema ng child malnutrition.

Sa ikaapat na public consultation sa draft implementing rules and regulations (IRR) ng Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act (o Republic Act 11148)  sa Davao City kahapon, sinabi ni Luz Taguinicar, program manager for nutrition ng DoH,  na nagpapatupad na ang pamahalaan ng critical intervention. Gayunman, palalakasin ng batas ang mga umiiral na polisiya.

“Ginagawa na natin yan, palalakasin lang natin,” aniya.

Metro

Isko Moreno Domagoso, nanumpa na bilang bagong-halal na alkalde ng Maynila

Nilalayon ng batas na paigtingin ang nutrition intervention programs para sa first 1000 days of life sa paglalaan ng resources para matugunan ang malnutrisyon sa mga sanggol at mga batang nasa edad o hanggang 2 taon.

Kabilang sa national government agencies na pakikilusin para sa implementasyon ng batas Department of Agriculture (DA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, at ang National Economic and Development Authority (NEDA).

Makikibahagi rin ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Civil Service Commission (CSC), Department of Labor and Employment (DoLE), Department of Budget Management (DBM), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology- Food and Nutrition Research Institute (DoST-FNRI), National Youth Commission (NYC), Philippine Statistics Authority (PSA), at ang National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Sa ilalim ng draft IRR ng bagong batas, ang prenatal services sa komunidad ay kabibilangan ng early identification at management ng mga buntis na nutritionally-at-risk. Pagkakalooban sila ng gobyerno ng ready-to-use supplementary food bukod sa dietary supplementation.

“Currently, may pre-natal tayo pero wala tayong assessment whether the mother is nutritionally-at-risk,” ani Taguinicar.

-Zea Capistrano