Hindi umano nababahala ang Department of Energy (DoE) kung sakaling magkaroon ng kakapusan ng supply ng kuryente sa Luzon, ngayong tag-init.

KURYENTE

Paniniyak ng DoE, nakahanda na ang kanilang contingency plan para sa posibleng mararanasang rotating brownout sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila kapag naging manipis na ang supply ng kuryente.

Ayon sa ahensiya, kabilang sa nakikitang solusyon ay maaaring paganahin ang Malaya Thermal Power Plant at maari ring kumuha ng supply ng kuryente sa Visayas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nlinaw naman ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau (EPIMB) Director Mario Marasigan na sa ilalim ng interruptible load program, gagamit ang mga malalaking establisimyento, katulad ng mga mall, ng generator sets upang punan ang kanilang supply ng kuryente at makapagtipid sa pang-araw-araw na konsumo nito.

Babala rin nito sa mga consumer, asahan ang dagdag-singil sa kuryente kapag nagkaroon ng power crisis sa bansa.

-Bella Gamotea