Dasmariñas City, Cavite —Pinangunahan nina Bacoor City’s pride Aaron Francis De Asas at General Trias City bet Clark Jemuel Cabatian ang mga nagwagi sa katatapos na National Age Group Chess Championships-Luzon Qualifying II (Dasmariñas Leg) na ginanap sa Robinson Place, Pala Pala sa Dasmariñas City, Cavite.

Si De Asas, isa sa promising woodpusher sa bansa, ay nakapagtala ng five wins sa six outings, kaparehas na iskor na naitala ni Cabatian para magsalo sa pangunguna sa Under 10 boys division.

Kabilang sa mga dinaig ni De Asas ay sina Jacob Villaceran, Yosef Immanuel Morada, Matt Isaiah Gelluah at Cabatian sa first four rounds. Nakipag hatian siya ng puntos kina Julie Gelua Jr. sa fifth round at Jeroniel Perez sa sixth at final round. Habang namayani naman si Cabatian kina Flyde Jeric Yulangco sa first round, Ethan Jackenzie Ang sa second round, Mar Aviel Carredo sa third round bago matalo kay De Asas sa fourth round. Nakabalik siya sa kontensiyon sa pag-giba kina Austin Klhoe Roan sa fifth round at kay Gelua sa last round.

Ang 8 years old Cabatian na grade 3 pupil ng John Isabel Learning Center sa General Trias City, Cavite kung saan ang kanyang kampanya niya dito ay suportado ng local government ng General Trias City, Cavite sa pangunguna nina Mayor Antonio “Ony” Ferrer, Congressman Luis “Jon-jon” Ferrer, Sports head Lhen “Baby Lyn” Muralla Kempiz at PH coach Ederwin Estavillo ay hindi makakalimutan mataos makopo ang gold medal sa Under 8 category ng Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 na ginanap sa Bay Beach Resort Pattaya, Banglamung, Chin Buried sa Pattaya, Thailand nitong Oktubre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Cabatian din ay tumapos ng fourth place sa first leg ng 2019 National Age-Group Chess Championships (NAGCC)- Luzon Leg (Legaspi leg) na ginanap sa Pacific Mall sa Legazpi City, Albay nitong Marso.