INALERTO nina mixed martial arts supporters Burn Soriano at Laurence Canavan ang local na awtoridad hingil sa patuloy na pananamantala ng ilang ‘bogus’ MMA promoter sa mga local fighters at personal sa mga moro-moro ‘underground’ fight card.
Ipinahayag nina Canavan, dating UFC fighter at founder ng Cage Gladiator, at dating ONE FC campaigner Soriano ng Hitman MMA, na patuloy ang operasyon ng mga bogus MMA promoter at nakababahala ang seguridad ng mga fighters, gayunsin nbg mga personnel na kanilang ginagamit.
“I’ve seen some of the local organizations ran by Filipinos using these young fighters to make off of their blood and sweat,” pahayag ni Canavan. “They’re actually charging their own fighters to fight in their own event. That is outrageous.” Ayon kay Canavan, perusal niyang nasaksihan kung saan kinailangang pang magbayad ng fighter ng P1,000 para lamang makalaban. Sa sandaling manalo, mababawi nito ang pera, habang ang natalong fighters ay bibigyan lamang ng sertipiko.
Nangonglekta pa umano ang organizer ng P750 bilang entrance fee sa mga parukyano.
“That’s tantamount to abuse,” aniya. “We hope there the Games and Amusement Board and other regulatory body will look into this to stop this abuses,” sambit ni Canavan.
Iginiit ni Canavan, naninirahan sa bansa sa nakalipas na 23 taon, na marami pa ring nakalulusot sa kabilang ng maigting na panuntunan na isinasagawa ang pamahalaan.
“I had a group of young lads and a girl come to me, in tears, because of the way they were being treated by a group called Underground Battle,” pahayag ni Canavan. “They were with that organization but the minute they lost, they were tossed to the side like garbage.”
Ayon kay GAB Chairman Abraham Mitra, matindi ang isinusulong na programa ng ng regulatory body para masawata ang mga ilegal na gawain at hiningia ng kooperasyon ng bawat isa, higit yaong direktang may kinalaman sa kaganapan.
“We need formal complaint. Nababalitaan namin ang mga ‘yan. Pinapupuntahan naming ang mga yan,” aniya.
Iginiit naman ni Soriano na nararapat lamang na maging legal ang bawat promosyon sa MMA upang masiguro ang kaligtasan ng mga fighters.
“Pinakang magagawa natin is support up-and-coming fighters,” sambit nio Soriano. “Sa Hitman MMA, we make sure they are safe. May taga medical (sa mga laban). May programs kami na tumutulong sa nangangailangan para maiwas rin sila sa mga bisyo. What I do is lahat ng gustong mag-training, libre.”
-Edwin Rollon