Si Joshua “The Passion” Pacio ang unang miyembro ng Team Lakay na mawalan ng World Title sa ONE Championship.

Ngayon ay maaari siyang maging unang makabawi ng kanyang belt.

Makakaharap ni Paciop ang ONE Strawweight World Champion na si Yosuke “The Ninja” Saruta sa co-main event ng ONE: ROOTS OF HONOR sa Biyernes, Abril 12 sa Mall of Asia Arena,  Manila.

Ang 23 anyos na nakuhanan ng belt sa isang split decision na laban sa ONE: ETERNAL GLORY  noong Enero ay naghahanda na sa isang gym sa Baguio City at hindi siya titigil na maibalik ang titulo sa kanya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“What happened in Japan was certainly an added motivation,” sabi ni Pacio.

“It wasn’t too long ago when we had so many World Champions. Now, we don’t have any. I’m just motivated to get that belt back.”

“The pressure is always there, but I am used to it. I have always felt it," paliwanag niya.

"From the first time I fought for the belt, there’s always been pressure. But this is a different type of pressure altogether.

“Competing for the World Title in the Philippines gives a different kind of pressure, but it’s already there, and it’s just for the taking. I just have to be 100 percent focused."

Hindi naging maganda ang 2019 sa Team Lakay at alam ni Pacio na makakabangon ulit sila.

Nakita nila si Eduard Folayang na bumangon matapos makuha ang kanyang lightweight belt noong Nobyembre 2017 at may tiwala ang grupo na magagawa nila ulit iyon.

“I am confident that we’ll get those belts again,” sabi ni Pacio.

“We’ve already been there. Kuya (older brother)Eduard got knocked out in front of our countrymen in the past, and he bounced back stronger.

“This is not a new situation for us, We’ll try to work on our weaknesses, and I’m confident we’ll get all our belts back."