TINAGURIANG silang mga bagong bayani ng bansa dahil sa mga remittances na nakatutulong ng malaki sa ating ekonomiya. Habang patuloy sila sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at pagtatrabaho para sa kaoakanan ng kanilang pamilya, nakikibahagi rin sila sa pagbili ng susunod na lider ng Pilipinas.
Ito ang ubod at halaga ng overseas absentee voting (OAV). Itinatakda ng Artikulo V, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1987 ang paglikha ng isang sistema para sa “secrecy and sanctity” ng mga balota, gayundin ang sistema ng absentee voting ng mga kwalipikadong mga Pilipino sa abroad.
May dalawang paraan ang mga overseas Pinoy para makaboto sa Mayo 2019 midterm election, sa personal o mail.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec),ang mga kwalipikado sa Overseas Voting ay maaaring pumunta sa presinto kung saan sila nakarehistro o hintayin na lamang ang balota sa pamamagitan ng mail.
Kabilang sa paraan ng voting ang manual (postal) at (personal) manual at paggamit ng mga vote count machine (VCM) sa ilaim ng automated election systems (AES).
Maaari lamang bumuto ang mga rehistradong overseas voters para sa pambansang posisyon, 12 seandor at isang party-list. Gagamit din sila ng espesyal na balota dahil pipili lamang sila ng kandidato para sa mga posisyong ito.
Ayon sa website ng Comelec, may kabuuang 1,822,173, ang rehistradong botante overseas mula sa apat na rehiyon.
Middle East at Africam Region ang may pinakamalaking bilang ng absentee voters sa 887,744, kasunod ang Asia Pacific Region, 401,390;North and Latin American Region, 345,415; at European Region, 187,624.
May 41 na presinto ng botohan ang gagamit ng VCM para sa nakatakdang halalan, kabilang ang nasa Agana, Calgary, Chicago, Honolulu, Los Angeles, New York, Ottawa, San Francisco, Toronto, Vancouver, Washington, Brunei, Canberra, Hong Kong, Kuala Lumpur, Macau, Kaohsiung, Taichung, Taipei, Osaka, Seoul, Singapore, Sydney, Tokyo, at Wellington.
Kasama din ang mga presinto ng botohan sa Athens, London, Madrid, Milan, Rome, Abu Dhabi, Beirut, Doha, Dubai, Jeddah, Kuwait, Manama, Muscat, Al-Khobar, Riyadh, at Tel Aviv.
Gagamit naman ng postal voting sa Brasilia, Buenos Aires, Mexico, Santiago, Bangkok, Beijing, Chongqing, Guangzhou, Hanoi, Islamabad, Port Moresby, Yangon, Ankara, Berlin, Berne, Brussels, Budapest, Geneva, Lisbon, Moscow, Oslo, Paris, Prague, The Hague, Vienna, Warsaw, Abuja, Cairo, at Pretoria.
Sa kabilang banda, personal voting naman ang idaraos sa Dhaka, Dili, Jakarta, Manado, New Delhi, Phnom Penh, Shanghai, Vientiane, Xiamen, Vatican, Amman, Nairobi, at Tehran.
Sa Abril 13 magsisimula ang botohan sa mga nabanggit na lugar at matatapos sa Mayo13, sa oras ng Manila.
Tulad ng regular na polling center, bibigyan ang isang botane ng balota kasama ng secrecy folder at panulat o pang-marka.
Marmarkahan lamang ng botante ang pangalan ng kandidato at party-list na kanilang napili. Kasunod ng pagpapasa ng balota sa Special Board of Elections Inspectors (SBIEs), saka idaraan sa ballot machine.
Para naman sa mga bansa na gagamit ng manual voting (personal), kinakailangang magtungo ng botante sa mga itinalagang voting center na inilaan ng Komisyon. Kapag natukoy kung kabilang siya sa mga rehistradong botante, lalagda at itatak nito ang kanyang thumbmark sa listahan ng Overseas Voters na may Voting Records (OVF No. 2-A), kasunod ay mabibigyan na siya ng balota para makaboto at isusumite sa Poll Clerk para ilagay ang balota sa inilaang kahon.
Para naman sa postal voting, tmakakatanggap ang botante ng liham o personal delivery envelop na naglalaman ng Official Ballot, Certified List of Candidates, Instructions to Voters, Official Ballot envelop at Paper Seals.
Matapos bumoto kinakailangan lamang ilagay ng botante ang kanyang balota sa “Ballot Envelope” at selyohan kasama ng buong pangalan at lagda. Maaari namang ipadala o personal na dalhin ang balota sa itinakdang center.
Pagkatapos ng botohan, agad na magsisimula ang bilangan ng balota na idaraos sa itinalagang lugar ng Comelec sa bansang pinagdausan.
PNA