HINDI lang pang-lokal, bagkus pang-international na ang Universal Reality Combat Championship (URCC).

URCC GLOBAL! Ibinida nina URCC founder (gitna) Alvin Aguilar at celebrity manager Arnold Vegafria ang pagpasok ng URCC sa International arena

URCC GLOBAL! Ibinida nina URCC founder (gitna) Alvin Aguilar at celebrity manager Arnold
Vegafria ang pagpasok ng URCC sa International arena

Sa pakikipagtulungan nina URCC founder Alvin Aguilar, at URCC Global Chairman Arnold Vegafria, ilulunsad ang URCC Glbal ‘Raw Fury’ sa pamosong Cove ng Okada sa Abril 27.

“The URCC goes globally and URCC Global Raw Fury is the first of a series of promotional fights not only here in Manila but also in abroad,” pahayag ni Aguilar, itinatag ang premaydong mixed martial arts promotion may 17 taon na ang nakalilipas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Noon walang pumapansin sa URCC. But with sheer guts and hardwork and support from private sectors, ito na kami ngayon catering not only the local audience but internationally,” sambit ni Aguilar.

Tampok na laban sa nine-fight card ang duwelo sa pagitan nina Chris Hoffmann at Musa Conteh, gayundin ang harapan nina Mark Striegl at Shunichi Shimizu.

“With my experience internationally, no doubt this is a big hit abroad. Gusto nating tulungan ang mga Pinoy fighters na makalaro sila sa abroad at maipakita ang k a n i l a n g husay,” sambit ni Vegafria, sikat na talent manager at may-ari ng prangkisa ng pamosong beauty pagent sa bansa.

Mapapanood di n sa Raw Fury ang laban ng pinakamahuhusay na babeng fighters sa flyweight na sina Geli Bulaong at Korean Jyang hyun Ji, gayundin ang 3-on3- duel Philippines vs Team China.

“Mabigat ang fight card na binuo naming and we guarantee high-octane action,” sambit ni Aguilar.

Mabibili na ang tiket sa Okada para sa fight night na suportado ng GCOX, ESPN 5 at Bench.

-Edwin Rollon