Pinagbabaril hanggang sa namatay ang dating hepe ng Angadanan, Isabela police station sa WML Cockpit Arena, Barangay Tuguegarao, Echague, Isabela, iniulat ngayong Martes.

Kinilala ni Police Major Andy Orilla , hepe ng Echague police station, ang biktma na si Danny M. Alingog, retired PNP Officer, at residente ng Bgy. Fugaru, Angadanan, Isabela.
Sa ulat, pasakay ang biktima sa kanyang kotse (Fortuner) nang paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga armado, bandang 4:35 ng hapon nitong Lunes.
Tinatayang nasa apat na suspek, na sakay sa dalawang motorsiklo, ang nag-abang sa biktima.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni Police Col. Mariano Rodriguez, provincial director ng Isabela, ang pagtugis sa mga salarin.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
-Liezle Basa Iñigo